Thursday, December 20, 2007

Silang mga taga-Sumilao


Minsan na akong naglakad sa kalsada upang ihayag ang aking pagkamuhi sa isang sistema ng pamamahala na dapat sana’y tumutugon sa daing ng mga mamamayang higit na nangangailangan.

Naalala ko noong kasagsagan ng pagpapatalsik kay Erap, nag-“walkout” kami sa aming mga klase sa UP upang magmartsa mula Diliman hanggang sa EDSA shrine.

Iyon ang unang pagkakataon na nakipag-“rally” ako, at kahit na hindi nagustuhan ng mommy ang pagsama ko sa rally noong araw na iyon, kinabukasan, nagsuot ako ng mas komportableng sapatos at muling sumama sa isa pang mahabang lakaran mula UP hanggang EDSA shrine. Marahil nga nama'y kung tunay mong pinaniniwalaan ang iyong ipinaglalaban, walang makahahadlang sa iyo.

Noong Huwebes (December 6), muli akong naglakad sa kalsada upang makiisa sa isang grupo ng mga magsasakang nagmula pa sa San Vicente, Sumilao, Bukidnon. Isang libo't limang-daang kilometro na ang nalakad nila noon. Oktubre pa nang simulan nila ang mahabang lakbay mula Sumilao hanggang Maynila. Ang tanging hiling nila ay ibalik sa kanila ang mahigit sa isang daang hektarya ng lupang sakahan na ngayo'y inaangkin ng San Miguel Foods, Inc.

‘Di tulad ng nauna kong karanasan sa pagra-rally, maliit lang na grupo ang sinamahan naming maglakad noon. Lahat sila'y magsasaka. Kaunti lang kaming mga estudyante, at ang mangilan-ngilan pang mga sumama sa paglalakad ay mga miyembro ng iba't ibang NGOs. Sinalubong namin sila ng mga alas diyes ng umaga sa may Film Center. Mula doon ay naglakad kami patungong Senado at pagkatapos ng maikling programa, pananghalian at pagpapahinga sa harap ng Senado ay nagtungo na rin kami sa Makati.

Minsan nang nabanggit ng isa sa aming mga guro, "tingnan niyo ang mga mata ng magsasaka, iba ang kinang. Iba sila tumingin."

Tunay ngang iba. Sa kabila ng hirap at bigat ng problemang dala nila, may kinang ng pag-asa ang kanilang mga mata.

Naglabas ng "Order" ang Malacanang noong Martes na nagsasabing nire-revoke nito ang conversion order na dating ibinigay sa pamilya Quisumbing. Maituturing na isang maliit na tagumpay ito para sa mga magsasaka ng Sumilao, ngunit hindi pa tapos ang laban. Nanindigan silang mananatili dito hanggang ganap nang ipatupad ang nasabing order. Kung walang Motion for Reconsideration na isasampa ang San Miguel, labing-limang araw mula sa pag-issue ng order ang kailangang hintayin ng mga magsasaka. Kung magsasampa ng Motion for Reconsideration ang San Miguel, mas matagal na panahon ang kailangan nilang hintayin.

Sabi ko kay Paul, sana hindi sila abutan ng Pasko dito, upang makapiling nila ang kanilang mga pamilyang matagal nang nagungulila sa Sumilao, pero sa takbo ng proseso ng gobyerno, mukhang dito nga sila aabutan ng Pasko.

Bisitahin ninyo sila kung may panahon kayo. Mananatili sila sa kampo nila sa DAR hanggang ganap nang mapasakanila ang lupa. Masaya silang kausap. Sa mga ilang araw na nakahalubilo ko sila, hindi ko masukat ang dami at lalim ng aking mga natutunan.


-----
* For more information, updates, etc., you may visit their multiply site at http://www.sumilaomarch.multiply.com

13 comments:

  1. un nga... kaya hindi ko kayang basahing buo... hehe... good job!

    ReplyDelete
  2. ate :) daddy actually wanted me to join their march to Ateneo but i had a test that afternoon so sayang... Ate, here's what the Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales said at the mass in school that struck me most:
    "In the contest between the rich and the poor, the bias always goes in favor of the rich and the powerful."
    If the land goes to San Miguel, I just don't know what to think about the government anymore...

    ReplyDelete
  3. nahilo ako dun ah. i'm sure you'll be a great human rights lawyer :)

    ReplyDelete
  4. Konti na lang.. human rights lawyer ka na! :-)

    ReplyDelete
  5. ang dami ng bago sa'yo...pro nakakatuwa=) makata ka na..=) God bless you and your latest mission...=)

    ReplyDelete
  6. haha! eh siyempre, mejo may time ako mag-isip :) Happy new year, mike! :)

    ReplyDelete
  7. Ang yabang mo, MRD! Haha :) Happy new year! See you in school :)

    ReplyDelete
  8. Hehe :) but still, i'm not sure if it is really for me. We'll see where this road will lead to. But whatever or wherever that is, i'll always be an "intern" at heart. That i'm sure of :)

    ReplyDelete
  9. Hehe, konti na lang :) Happy new year, Janice! :) See you in school :)

    ReplyDelete
  10. Haha, hindi ako makata :) i bet maraming mali-mali don sa use ko ng Filipino language, but thanks! :)

    ReplyDelete